Aktibong kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte umakyat  sa 10- PHO

CAMARINES NORTE -Umakyat ngayon sa sampu ang naitalang aktibong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ang unang pagkakataon na nakapagtala ng double digit na aktibong kaso ang lalawigan pagkaraan ng ilang buwan.

Sa impormasyon mula kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, siyam ang aktibong kaso sa Daet habang isa naman sa Vinzons.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Batay sa hiwalay na pahayag mula sa LGU- Vinzons ang bagong kaso ng sakit sa naturang bayan ay isang 83 anyos na babae na may code na Bicol No 59751.

Nakaramdam ito ng sintomas noong Hulyo 4 na kasalukuyang naka- quarantine.

Ayon kay Dr. Francisco noong Lunes ay mayroong mga naunang nagtapos ng kanilang isolation bago nadagdagan ng dalawang kaso kahapon.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ang mga ito aniya ay nakakaranas ng mild symptoms na nasa quarantine facility ng LGU.

Sa ngayon ay hindi pa naman umano nakikita ng PHO na magkakaroon ng pagbabago sa Alert Level.

Nasa Alert Level 2 ang Camarines Norte habang ang mga bayan ng Daet, San Vicente, Basud at Capalonga ay nasa  ilalim na ng Alert Level 1.