CAMARINES NORTE- Mababa pa rin ang porsiento ng mga nababakunahan kontra COVID- 19 sa bayan ng Paracale, Camarines Norte.
Batay sa pinakahuling datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center nasa 55. 3 percent pa lang ng target population na 52, 018 ang nababakunahan.
Sa priority group A2 o senior citizen nasa 2, 880 palang ang nababakunahan o 51. 7 percent sa target na 5, 574.
Pagdating naman sa 18- 59 nasa 20, 477 ang nabakunahan o 61. 2 percent ng target na 33, 482.
Sa pediatric population edad 12- 17 nasa 5, 295 ang nabakunahan o 66. 6 percent ng 7, 951 na target population.
Sa 5- 11 nasa 135 o 1. 4 percent ng target population na 9, 900 ang nabakunahan.
Noong isang buwan ay nagsagawa ng demand generation sa naturang bayan ang team mula sa Department of Health Bicol para pataasin ang level of awareness sa bakunahan.
