63-anyos na lalaki, nabundol ng motor sa Candelaria, Quezon

Sugatan ang isang construction worker makaraang mabundol ito ng motor sa Barangay Mangilag Sur, Candelaria, Quezon nitong Miyerkules, Hunyo 19.

Base sa report, tumatawid umano noon ang 63-anyos na biktimang si alyas “Gregorio” habang buhat ang sanga ng puno ng mahogany nang aksidente itong mabundol ng motor na minamaneho ni alyas “Danry”, 44-anyos.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Parehong nagtamo ng mga injury sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang driver at ang biktima kung kaya isinugod ang mga ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Samantala, bukas naman ang mga panig sa pagkakasundo sa mga usapin hinggil sa aksidente.