Mga Municipal Board of Canvassers magko- convene sa hapon ng May 9

CAMARINES NORTE- Nag abiso ang mga tanggapan ng Commission on Elections sa iba’t- ibang bayan sa Camarines Norte na magko- convene ang mga Municipal Board of Canvassers ala una ng hapon sa May 9 o sa araw ng election.

Nagpaskil na ng notice ang mga opisina ng Comelec upang ipaalam  sa publiko.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City

Alinsunod ito sa section 23 ng Comelec Resolution No 10731 upang ma- initialize ang Canvassing and Consolidation System

Pagkatapos nito ay magsisimula nang tumanggap  at magbilang ng electronically- transmitted Election Returns mula sa mga clustered precints sa iba’t- ibang barangay.

Ang composition ng MBOC ay ang Election Officer bilang Chairperson, Municipal Treasurer bilang Vice Chairperson at Public Schools District Supervisor na tatayong MBOC Secretary.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Tuloy- tuloy ding magme- meet ang board hanggang makumpleto ang canvassing para sa layuning hintayin ang iba pang Election Returns.

Hangad naman ng Comelec ang isang mapayapa at maayos na Halalan.