Inihayag ni Miss Universe Spain 2021 Sarah Loinaz ang paghanga kay Alden Richards.
Mababatid na bumisita sa bansa si Sarah at nagsagawa ng Q&A sa Instagram Stories nitong Huwebes, kung saan kabilang nga sa itinanong sa kaniya ng followers ay ang tungkol kay Alden.

Nang matanong ito ng netizen kung gwapo ba si Richards sa personal ay yes ang sagot ni Sarah.
Pero sa kabila nito, higit pa doon ang katangian na nagustuhan ni Sarah sa aktor, dahil tumatak din sa naturang beauty queen ang pagiging humble ng binata.
Una rito, nag-post si Sarah ng larawan niya habang nasa Viva Artist Agency, pero hindi na nito sinabi kung para saan ang pagbisita niya sa naturang tanggapan.