BFP naka red alert status kaugnay sa Halalan 2022

CAMARINES NORTE- Naka- red alert status ngayon ang Bureau of Fire Protection kaugnay sa Halalan sa Lunes, Mayo 9.

Ayon kay Basud, Camarines Norte Municipal Fire Marshall Socorro Tabaniag simula ngayong araw ay magkakaroon na sila ng situational report sa kanilang area of responsibility.

Magde- deploy ang BFP ng mga tauhan at mag- iikot ang kanilang fire truck sa iba’t- ibang voting center sa naturang bayan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon pa kay Tabaniag hindi lang nakatutok ang BFP sa mga fire related incident kundi sa kahit na anong emergency.

Noong mga nagdaang araw ay nagsagawa na rin ng fire safety inspection ang BFP sa iba’t- ibang barangay.

Ito ay upang masigurong ligtas sa sunog ang mga eskwelahan na gagamitin bilang polling precinct.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang Basud ay mayroong 196 precints at 51 clustered precints at 26 na voting centers.

Aabot sa 28, 107 ang registered voters sa naturang bayan.

Paalala naman ng kagawarang ng pamatay sunog sa publiko na siguruhing nakatanggal sa pagkakasaksak ang mga electrical appliances pag aalis ng bahay para bomoto.