Mga motorista, hiniling na payagan silang sumilong sa ilalim ng mga footbridge

Humihingi ng konsiderasyon ang mga iba’t-ibang motorista sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa pagmumulta sa mga sumisilong sa ilalim ng mga flyover at footbridge kapag umuulan.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Pakiusap ng mga riders – payagan silang manatili kahit hanggang tatlong minuto para makapagsuot ng mga kapote.

Dagdag pa ng ilang motorista, hindi sapat ang bilang ng mga lay-by areas na inilaan ng MMDA para sa kanila.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Samantala, makikipagpulong naman ang ahensya sa mga gasolinahan na maglagay ng mga tents na maaring silungan ng mga riders tuwing umuulan.