NEDA: hindi makaaapekto ang MIF sa national budget ng Pilipinas

Naniniwala si  National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na hindi makakaapekto ang Maharlika Investment Fund sa national budget ng Pilipinas.

Ayon kay Arsenio, ang  sovereign fund ay hindi gagamitin para lumaki ang utang ng Pilipinas kundi upang makakuha pa ng maraming pondo para sa mga nakaantabay na proyekto ng gobyerno.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Dagdag pa nito, ang budget na nakalaan para sa susunod na taon ay P5.768 trillion, mas mataas ng 9.5% kumpara sa pondo ng Pilipinas ngayong taon.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Matatandaang na-aprobahan na ni President Ferdinand Marcos Jr. ang MIF Bill bilang isang batas sa ilalim ng Republic Act No. 11954.