BNFM Bicol- NAGTATAGISAN ng galing sa sports ang mga miyembro ng Department of Agrarian Reform mula sa iba’t ibang mga probinsya sa Bicol para sa kanilang Sports Festival na pinamagatang “Empowering Men and Women Through Sports” na nagsimula nitong Hulyo 3 hanggang 5 ngayong taon.
Layunin ng ahensya na palakasin ang pagkakaisa at malinang ang kakayahan ng mga empleyado nito sa larangan ng soprts tulad ng basketball, volleyball, badminton, table tennis, at darts.
Samantala, tampok din sa aktibidad ang pagtatanghal ng mga muse ng kada koponan at ang inabangang cheer dancing competition. # # # Nico Merciales, Intern
Photo from DAR Regional Office 5