DA-RFO2, nangako ng patuloy na suporta sa agricultural programs ng CSU-GONZAGA

Nangako si DA-Regional Executive Director Rose Mary G. Aquino sa pamunuan ng Cagayan State University –Gonzaga Campus na susuportahan ang unibersidad sa mga programa na makakatulong sa mga estudyante na mapataas ang agricultural education at research capabilities.

Kabilang sa mga ipinangako ay ang pagpapabuti sa curriculum ng kanilang agri-related courses upang makamit ang national at international accreditation, pag-upgrade sa multiplier farm project sa CSU Gonzaga para sa hands-on experience sa advanced farming techniques at animal husbandry practices at upgrading ng existing animal breeders sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga module para sa produksiyon ng tupa at kambing.

Tutulong din ang Kagawaran ng Pagsasaka sa pagpopondo sa smart greenhouses at pagtutuunan ang pagsasama ng hydroponics at drone technology sa agricultural program ng unibersidad.

Nagsilbing panauhing pandangal si RD Aquino sa 46th Commencement Exercises Cagayan State University (CSU) Gonzaga Campus noong Martes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *