Ayuda, hindi umano sagot sa kahirapan kundi skills training ayon sa isang kongresista

Ang kahirapan ay isa sa pangunahing problema ng pilipinas at ito ang dapat nating tanggapin.

Yan ang pahayag ni Albay Representative Edcel Lagman nang tanungin siya kung paano masosolusyunan ang kahirapan.

Sa Kapihan sa Manila Hotel, binigyang diin ni Lagman na hindi ayuda ang sagot sa kahirapan kundi skills training sa pamamagitan ng edukasyon.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Dahil kung wala umanong edukasyon at laging bagsak ang mga Pilipino sa Program for International Student Assessment (PISA) ay walang mangyayari sa problema sa kahirapan.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Giit ni Lagman, dapat bigyan ng necessary skills at training ang bawat Pinoy nang sa gayon ay magkaroon ng magandang pangkabuhayan.

Dahil kung ayuda lang raw ang paiiralin ay lalo lang lalala ang kahirapan sa Pilipinas.