Mga militar at NPA nagkabakbakan sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Sunod-sunod na putok ang narinig ng mga residente sa Ragay, Camarines Sur pasado alas- 8 , Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng 9th Infantry Division Philippine Army nangyari ang engkuwentro sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan sa bisinidad ng Brgy. Laguio at Brgy. Upper Sta. Cruz nang matuntun ng mga militar at PNP ang kuta umano ng NPA.

Tumagal ng tinatayang sampung minuto ang  palitan ng putok ayon kay DPAO Chief  Major Frank Roldan. Tumakas ang mga rebelde sa timog na bahagi ng lugar. Walang naitalang nasugatan at nasawi sa militar habang naiwan ang mga bakas ng dugo sa umano’y pinuwestohan ng NPA.  Narekober ang bandolier, Improvised Explosive Device (IED), blasting caps, subersibong dokumento at iba pang gamit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *