Ilang uri ng gulay sa Naga City, madaling nalalanta o nabubulok sa kabila ng may magandang epekto ang nararanasang matinding init ng panahon

NAGA CITY – Matinding init ang nararanasan ngayon sa Naga City; may magandang epekto sa mga gulay ngunit may ilang uri na madaling nalalanta o nabubulok.

Ayon kay Wang Carullo, stall owner at vegetables vendor sa Naga City People’s Mall, sa kabila na maganda ang suplay at mababa ang presyo ng mga gulay, apektado pa rin sila dahil halos tumatagal na lamang ng dalawa hanggang tatlong araw ang buhay ng ibenibenta nilang mga gulay lalo na ang mga native vegetables tulad ng pechay, okra, sitaw, kangkong at iba pa, kung kaya’t limitado ang pagkuha nila upang maiwasang malugi o malantahan.

Kung saan dapat na maibenta nila sa loob ng maghapon na ngayon kahit papaano mabenta ang bilihan lalo na ang talong na nasa P60.00 ang kilo, P70.00 naman ang petchay at ampalaya, mura din ang kamatis at sibuyas na ang ibang suplay mula pa sa Barangay Carolina, Naga City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *