CAMARINES NORTE- Nakatanggap ng tulong mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ilang mangingisda sa Camarines Norte na naapektuhan ng bagyong Rolly na nanalasa sa lalawigan noong isang taon.
Sa impormasyon mula kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam, ginawa ang pamamahagi g tulong para sa repair ng mga bangka sa ilalim ng typhoon Rolly rehabilitation project sa tatlong bayan.
Mayroong tig- sampung benepisyaryo mula sa bayan ng Sta Elena, Paracale at Jose Panganiban na nakatanggap ng mga materyales para sa pagawa ng bangka.
Unang nagkaraoon ng distribution sa Paracale noong October 20 at sinundan ng Jose Panganiban at Sta Elena noong Oct 22 at 26.
Matatandaan na November 1 noong isang taon ng manalasa ang bagyong Rolly sa rehiyon na nag iwan ng patay at pagkawasak ng mga struktura at kabuhayan.
Kasama rin sa mga ipinamahagi ang Seaweeds Farm Implements.
Samantala noong Biyernes naman ay nagkaroon ng partial harvest sa Aquapark project tilapia fish cage sa Barangay Bibirao dito sa Daet.
Ang mga benepisyaryo ng proyekto ay ang Bibirao Farmers and Fisherfolk association.
