NAGA CITY- Kahit wala pang gale warning na inilabas ang PAGASA pinag-iingat na ng MDRRM Presentacion , Camarines Sur ang mga mangingisda sa posibleng epekto ng Habagat dahil sa Bagyong Egay.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni MDRRM Officer Regina Bea, ipinatupad na nila ang “no sailing policy” upang makaiwas sa anumang kapahamakan ang mga pumapalaot, maliban dito bawal na rin ang anumang water activities tulad ng swimming kahit na maganda pa naman ang lagay ng panahon ngayon sa naturang bayan.
Base rin sa kautusan ng PDRRMC kasunod ng Red Alert Status sa lalawigan, activated na 27/4 ang Emergency Operations Center at Incident Management Team. Nagmomonitor na rin ang mga local officials sa mga landslide prone areas.
Ayon sa PAGASA ang Bagyong Egay ay posibleng maging isang ganap na Super Typhoon sa susunod na linggo, mananatili sa karagatan pero hindi inaalis ang landfall scenario sa Hilagang Luzon.