Bicol region, nasa red alert status na dahil sa bagyong “Egay” – OCD Bicol

LEGAZPI CITY – Inilagay na ng Bicol Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) sa red alert status ang buong rehiyon dahil sa banta ng gagyong “Egay.”

Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) Bicol Regional Spokesperson Gremil Naz, inaasahang sa araw ng Lunes ay maaari nang makaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng rehiyon.

Naka-activate na rin ang iba’t ibang response clusters sa rehiyon at maging ang mga ahensya ay nakahanda na rin sakaling kakailanganin sa pag-deploy sa mga Local Government Unit (LGU).

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Dagdag pa nito, ang bawat cluster ay dapat magbigay ng update at status report sa konseho.

Binigyang-diin pa nito, inirerekomenda rin sa bawat probinsya o LGU na magsagawa ng localized pre-disaster risk assessment upang malaman ang risk o hazard na maaaring idulot na pag-ulan na dala ni Egay.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Sinabi pa ni Naz, dapat din na mayroong closed monitoring sa PHIVOLCS at APSEMO para malaman kung gaaano kataas ang lahar flow sa paligid ng Bulkang Mayon.

Samantala, ayon pa sa OCD Bicol, isa sa mga binabantayan ang malakas na ulan na mararanasan ng Bicol Region.

Dahil dito, inalerto na ang mga CDRRMO sa posibleng pagbaha sa kanilang lugar dahil sa bagyong Egay.