Mga mangingisda sa Camarines Sur, hindi lahat mabibigyan ng fuel subsidy ayon sa BFAR

NAGA CITY—Hindi lahat ng mga mangingisda sa ay mabibigyan ng ayuda mula sa nakalaang P500M na pondo ng Pamahalaan na ipapamahagi bilang Fuel Subsidy ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Nonie Enolva, tagapagsalita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Bicol matapos ilabas kamakalawa ng Department of Agriculture ang guidelines sa pamamahagi ng Fuel Subsidy.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Paliwanag ni Enolva, na sa Camarines Sur, tanging 1,080 lamang sa kabuuang bilang ng mga rehistradong mangingisda sa lalawigan ang mabibigyan ng ayuda.

Nasa P20.2M lang aniya kasi ang inilaan na pondo ng DA sa Bicol region na may 6,437 kabuuang benepisyaryo mula sa 183,000 na mangingisda sa rehiyon.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ibig sabihin, bahala na ang mga Local Government Unit na piliin sa kanilang mga listahan ang mga mangingisdang prayoridad na mabigyan ng subsidiya. Kaya dapat na magpalabas ng sariling panuntunan ang bawat coastal LGU sa Camarines Sur para sa pamamahagi ng naturang ayuda.