Nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Office of the President ang nasa syam na libong mga mangingisda sa lalawigan ng Cavite na apektado ng oil spill mula sa Bataan.
Personal na iniabot ni Pangulong Bongbong Marcos ang 6,500 pesos cash sa mga benepisyaryo mula sa Cavite at Bacoor city, at sa mga mangingisda mula sa bayan ng Rosario, Noveleta, Kawit, Tanza, Naic, Maragondon, at Ternate.
Maliban sa 9,000 na nabigyan ng tulong ngayong umaga, makakatanggap din ng kaparehong halaga ang nasa 25,000 pang mga mangingisda sa mga susunod na round ng distribution ng OP na pangungunahan ng provincial government ng Cavite.
Samantala layon ng pamahalaan na matulungan ang mga mangingisda na makayanan ang epekto ng naturang insidente sa kanilang kabuhayan.