Naniniwala si Zambales Rep. Jay Khonghun nire-respeto pa rin ng mga kasamahan nila sa Kamara ang taggapan ni Vice President Sara Duterte.
Kung maaalala, si Khonghun ang nag-move para i-defer ang budget briefing ng OVP sa Kamara kahapon.
Kasunod ito ng pagtanggi ni VP Sara na sagutin ang mayorya ng katanungan ng mga Kongresista.
Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Khonghun – sinabi nilang bagamat madalas ay pinapa-cite-in-contempt na ang mga ganitong uri ng scenario, binibigyan pa rin nila ng paggalang at respeto ang OVP.
Sa kabila nito, umaasa raw sila na sa susunod na briefing ng OVP sa Kamara ay magkakaroon na ng mas maayos na pagsagot si VP Sara.
Itinakda ang susunod na budget briefing sa September 10.