Mga magulang sa Taiwan, nagprotesta matapos umanong painumin ng “sedatives” ang kanilang mga anak sa pinapasukang pre-school

NAGPROTESTA ang mga magulang ng mga kindergaten sa Taiwan partikular sa New Taipei City matapos umanong painumin ng sedatives ang kanilang mga anak ng mga guro nito sa isang pre-school sa lugar.

Halos daan-daang mga tao ang nagtipon sa New Taipei City Hall dahil rin sa umano’y mabagal na aksyon ng gobyerno higgil sa insidente, sakabila ng mga nagsipaglabasang ulat hinggil dito.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Noong Mayo 14, batay sa tatlong magulang ng mga batang biktima, napansin nila ang kakaibang kilos at pag-uugaling ipinapakita ng kanilang anak mga bandang buwan ng Pebrero at Abril ngayong taon.

Samantala, lumabas sa medikal na pagsusuri na ang mga bata ay mayroong “traces” ng ‘barbiturates at benzodiazepines’ – dalawang uri ng central nervous system depressant.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Matapos ang kaliwa’t-kanang rally, nagbaba ng direktiba ang local education deparment sa nasabing bansa na isara ang paaralan at pagmultahin ng 150,000 New Taiwan dollars.

Patuloy pa ring isinasailalim sa imbestigasyon ang mga guro sa nasabing paaralan habang gumugulong na rin ang pagdinig sa nasabing kaso.### HARLIN LUMIBAO, Intern