Pagpapabalik sa dating school calendar, hindi na raw kailangan gawan ng bagong batas, ayon sa isang Senador

Pwede nang magpatawag ng dayalogo ang Department of Education at hindi na kailangang gawan ng bagong batas ang pagpapabalik sa dating school calendar ng mga mag-aaral.

Sa ngayon, mula Agosto hanggang Hunyo ang pasukan at Hulyo hanggang Agosto ang bakasyon.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian na siyang chairman ng Senate committee on education, dapat nang ibalik ang dating school calendar dahil nahihirapan na ang mga estudyante sa matinidng init sa mga buwan ng Abril at Mayo gaya ng naranasan ngayong taon.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Maaalalang noong 2020 na kasagsagan ng Covid-19 pandemic, ipinatupad ng DepEd ang distance learning system.

Sa school year 2021-2022 naman, September 2021 nagsimula ang klase at nagsimula naman noong August 2022 ang kasalukuyang school yr.