Mga magsasaka sa Libmanan, Camarines Sur, nakahanda na sa paparating na tag-ulan

CAMARINES SUR – Nakahanda na ang mga magsasaka sa Libmanan, Camarines Sur sa mga posibleng maging epekto sa kabuhayan ng paparating na tag-ulan.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Angelo Begino, Chief Operating Officer ng Oragon Farmers Agriculture Cooperative, na noong nakaraang linggo, nagsimula na silang tumanggap at mamigay ng agri-loan sa mga miyembro ng kooperatiba upang makapaghanda na sa pagpasok ng La Niña. May iilan na rin sa kanila ang sinasamantala na ang pag-uulan sa probinsya upang makapagtanim na ng mga binhi. Nagkakaroon rin sila ng regular checking and maintenance sa mga kagamitan sa kanilang warehouse upang matiyak na ligtas at walang masasayang sa mga nakaimbak na saku-sakong bigas.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending
Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa ngayon, humigit kumulang 500 sako pa ng bigas ang kanilang nailuluwas araw-araw. Sa mga susunod na buwan, aniya maaaring maranasan ang pagtaas ng presyo nito, depende sa supply at demand ngayong tag-ulan.