Mga magsasaka sa Libmanan, Camarines sur, maagang nakapaghanda para sa El Niño Phenomenon

CAMARINES SUR- Hindi magtatagal, papasok na ang El Niño Phenomenon sa bansa kung saan ayon sa pagtataya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) inaasahan na posibleng magiging pinakamainit ito ngayong taon dahil sasabay ito sa summer season.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kaugnay nito, sinabi sa Brigada News FM Naga ni Angelo Besino, Chief Operating Officer ng Oragon Farmers Agriculture Cooperative (OFAC) sa Libmanan, Camarines Sur na maaga nakapagtanim ang kanilang mga magsasaka upang sa darating na El Niño ay maiwasan ang pagkasayang ng mga pananim. Nobyembre pa lamang noong nakaraang taon, nagsimula ng magtanim ang nasa 600 magsasaka sa bayan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Inaasahan din nila na magiging maganda at marami ang ani ngayong darating na mga buwan kaya ayon kay Besino, mahalagang napaghahandaan ang ganitong mga pagbabago sa panahon.