10 pang barangay sa Naga City nakatakdang isailalim sa medical outreach program ng LGU Naga konta ubo, sipon at lagnat 

NAGA CITY –Nasa 10 pang barangay sa Naga City ang kailangan na isailalim sa Medical Outreach Program para matiyak na maiiwas ang mga residente sa ubo, sipon at lagnat na ayon sa mga barangay health workers ay siyang pangunahing sakit ng mga bata at matatanda.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ang mga buntis naman na maysakit ay agad na binibigyan ng ng gamot at bitamina para hindi maapektuhan ang sanggol sa sinapupunan ng inang may sakit.

Inihayag ni City Mayor Nelson Legacion na dapat lahat ng mga taga barangay ay magpa check-up sa libreng medical mission na ito,para maagapan ang anumang sintomas ng sakit at kung kailangan na i-confine nandiyan anya ang Naga City General Hospital.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Nagkaroon na rin ng coordination meeting ang LGU-Naga kahapon na pinangunahan ni City Administrator Elmer Baldemoro hinggil sa gagawing medical mission lalo na sa upper barangay ng lungsod.