BARMM Parliamentary Elections, tuloy – COMELEC

Sa kabila ng panukala ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na huwag ituloy ang kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections sa susunod na taon, walang plano ang COMELEC na itigil ang kanilang paghahanda para dito.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, panukala pa lamang ang inihain sa Senado at hindi pa ito tuluyang naisasabatas.

Dahil mahaba pa aniya ang magiging talakayan sa nasabing proposed bill ay gagawin pa rin ng COMELEC ang kanilang mandatory na maghanda para sa BARMM Parliamentary Election.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Sinabi pa ni Garcia na nasa kamay ng Kongreso ang desisyon sa pagpapaliban ng kanilang eleksyon.

Sa katunayan, nagsimula na kahapon ang komisyon sa pagtanggap ng mga naghahain ng kandidatura sa BARMM.