Mga lumalabag sa minimum health standards kontra Covid-19, huhulihin

KORONADAL CITY — DAHIL sa pagtaas ng aktibong kaso ng Covid-19 sa Koronadal, muling manghuhuli ang Koronadal City PNP ng mga lumalabag sa minimum health standard kagaya na lamang ng mga lumalabas na walang suot na face mask.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay City Health Officer Dr. Edito Vego, napag-usapan na umano nila ni Police Lt. Joedy Lito Guisinga, OIC chief of police ng Koronadal City PNP na muling ipatupad ang panghuhuli ng mga lumalabag sa mga health protocols bilang bahagi ng mas pina-igting na implementasyon nito.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ito’y matapos na muli umanong dumami ang mga taong lumalabas at pumupunta sa mga pampubliko lugar sa lungsod gaya ng Protect Center, B-walk, mga malls, China Town at iba pang lugar.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Kaugnay nito, pina-alalahanan naman ni Vego ang mga commercial establishments sa Koronadal na higpitan ang pagpapatupad ng minimum health protocols upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.