Ipambibili ng COVID-19 vaccines para sa 2022, manggagaling sa mga loan – DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na magmumula sa mga loans o pautang ang pondo para sa pambili ng mga bakuna kontra covid-19 para sa susunod na taon.

Sa briefing ng House Committee on Health, natanong ni Marikina Representative Stella Quimbo ang DOH kung bakit walang alokasyon sa pagbili ng mga covid-19 vaccine sa panukalang 2022 national budget.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Tugon ni Health Sec. Fransisco Duque III, may alokasyon naman sa ilalim ng unprogrammed funds o ang P45 billion na pambili ng covid-19 booster shot.

Ang inisyal aniya na hiling ng DOH ay P104 billion para sa booster shot, pero nakaltas aniya ng Department of Budget and Management (DBM).

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Sa paliwanag naman Health Undersecretary Dr.Mario Villaverde, mayroong loans na kayang masakop ang suplay para sa first at second dose ng iba’t-ibang brand ng mga bakuna.

Dagdag ni Villaverde ang suplay ng mga bakuna kontra covid-19 ngayong taon ay mula naman sa foreign assistance project katulad ng World Bank at iba pa. //MHEL PACIA-TRINIDAD