Mga lumabag sa ‘No Movement Sunday sa Tacurong, nasa 113 na!

KORONADAL CITY- UMAABOT na sa 113 ang nahuling lumabag sa ‘No Movement Sunday’ sa lungsod ng Tacurong simula noong ipinatupad ito noong buwan ng Agosto.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay PMaj. Ronalyn Domider, deputy chief of police ng Tacurong City PNP, kinumperma nito na sa nasabing bilang, 61 dito ay nahuli noong buwan ng Agosto; 48 noong Setyembre at apat ngayong Oktubre.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Dagdag pa ni Domider na multang P5,000 agad ang pinapataw sa mga hindi sumusunod sa nasambit kautusan ng lungsod.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Nilinaw din ng opisyal na ang nasabing hakbang ay base sa ibinaba na Executive Order ng probinsya kung saan wala ng warning para sa mga violators.

Hiling naman ng opisyal ang kooperasyon ng lahat upang mapababa ang kaso ng Covid-19 sa lungsod.