Pioduran Pdrrmo sinita ang ilang menor de edad na naaktuhang naglalaro ng online games sa labas ng bahay

LEGAZPI-Muling nanawagan ngayon ang Pioduran Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga magulang na laging i-check ang kanilang mga anak kung nasa loob na ng bahay partikular na sa oras ng curfew hours.

Sa kuhang larawan ng Pioduran DRRMO makikita ang nagkukumpulang mga bata sa gilid ng kalsada dis oras na ng gabi at wala pang mga suot suot na mga facemask at face shield.

Read More:  Heavy rains trigger flooding, damage dikes in parts of Gensan, Soccsksargen

Aniya, sa kanilang pagsita sa mga bata, dito nila natuklasan na dahilan kung bakit nasa labas ito at nagkukumpulan sa isang lugar ay dahil sa nasasagap nitong wifi connection.

Read More:  Police hunt hit-and-run driver after child injured in Lapu-Lapu City

Pinagsabihan rin ito ng mga otoridad dahil hindi naman academic ang layunin nito kundi ang paglalaro ng online games.

Sa ngayon, binigyan ng warning ang mga bata, samantalang hinimok naman ang mga magulang na maging responsable sa pag-monitor ng mga nak ngayong pandemya.