COVID- 19 vaccination sa Camarines Norte Provincial Hospital bukas pa magre- resume

CAMARINES NORTE- Walang bakunahan kontra COVID- 19 ngayong araw, Enero 24 sa Outpatient Department ng Camarines Norte Provincial Hospital taliwas sa naunang anunsiyo ng Provincial Health Office (PHO).

Ayon sa ilang hospital staff bukas, Enero 25 na magre- resume ang COVID- 19 vaccination.

Matatandaan na kinailangang pansamantalang  itigil ang bakunahan noong Huwebes at Biyernes upang bigyang daan ang ilang mga gawain na kailangang tapusin ng vaccinators kaugnay sa bakunahan at ilan pang mahahalagang bagay upang masiguro ang kanilang kalusugan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nagsagawa rin ng disinfection sa lugar sa mga araw na walang bakunahan.

Sa pagbabalik ng bakunahan simula bukas ay pinapaalalahanan ang mga magpapabakuna na sundin ang health protocol.

Ang pahihintulutan lang na pumasok sa vaccination venue ay kung ilan lang ang available na upuan na dapat okupahin.

Batay sa abiso, tayo ngayon ay nasa sitwasyon kung saan ang COVID- 19 virus ay mas mabilis na nakakahawa kaya importante umano na panatilihin ang pagsunod sa minimum health standard.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Iwasan muna umanong maging close sa isa’t- isa, isuot ng tama ang face mask at palaging mag disinfect ng kamay.

Ang mga nakakaramdam naman ng sintomas tulad ng sipon, ubo at lagnat ay pinapayuhang huwag nang pumila at ipagpaliban muna ang pagpapabakuna.