Mga lugar na isinailalim sa granular lockdown, umakyat sa 900

Mula sa 700 ay tumaas sa 900 ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa granular lockdown sa buong bansa dahil sa pagsipa ng COVID-19 cases.

Base sa datos ng PNP nitong Linggo ay umabot sa 212 ang mga lugar na isinailalim sa restriksyon sa Cagayan na dating may zero locked down areas.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Tinatayang nasa 330 na lugar naman ang na-lockdown sa Cordillera, 233 sa Ilocos, 106 sa National Capital Region, at 19 sa Mimaropa.

Ayon sa PNP, umabot sa kabuoan na 2,557 ang bilang ng mga apektadong indibidwal sa granular lockdowns.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Samantala, nag-deploy naman ang PNP ng 211 na tauhan nito at 443 na force multipliers sa mga apektadong lugar upang tiyakin ang seguridad at pagsunod sa minimum health standards.