KORONADAL CITY – SA kabila ng nagpapatuloy na food at non-food items o FNI prepositioning ng Department of Social Welfare and Development o DSWD-12, ipinagtibay ito sa pamamagitan ng mga isinagawang paglagda ng mga local chief executives ng bawat mga LGUs sa SOCCSKSARGEN.
Maaalala na sinimulan na ng DSWD-12 ang prepositioning ng food at non-food items o FNI at iba pang mga relief supplies sa mga local government warehouse parte ng paghahanda sa mga kalamidad na hindi inaasahan. Ayon kay DSWD-12 Regional Director Loreto Cabaya, Jr,.
nasa 10,000 ang inisyal na naposisyon ng ahensya sa bawat mga LGUs sa SOCCSKSARGEN kung saan nakadepende sa kapasidad ng isang warehouse ng mga LGU. Target ng gobyerno na handa na ang relief operations para sa mga pamilya at komunidad laban sa kalamidad at emerhensya. Samantala, ipinasiguro naman ni Cabaya na magsasagawa sila ng re-supply sa oras na ang mga stocks na on-standby ay magagamit na sa ilang mga gawain.
