Mga Local Chief Executive, inatasan ni PBBM na pag-ibayuhin ang waste management

Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga local chief executive na mag doble-kayod sa pagpapabuti ng kanilang solid waste management.

Sa harap na rin ito ng pagsipa ng kaso ng leptospirosis at dengue.

Sa kanyang talumpati sa Local Governance Summit sa PICC kaninang umaga, sinabi ni Pangulong Marcos na batay sa Department of Health, malaking factor ang basura sa pagsirit ng mga kaso ng nabanggit na sakit.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ang mga basura rin ang isa sa malaking contributor kung bakit nagkakaroon ng pagbaha lalo na sa mga urban areas.

Kaya hinimok sila ng Pangulo na pangunahan ang agressive information dissemination campaign sa pag-promote ng healthy lifestyle at pag iwas sa sakit.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

At paalalahanan ang publiko lalo na ang mga kabataan hinggil sa panganib na maidudulot ng paliligo sa baha at ang kahalagahan ng pag obserba ng personal hygiene upang makaiwas sa pagkalat ng leptospirosis, mpox at iba pang sakit.