Mga legasiya ni Presidente Duterte sa Soccsksargen, inilatag

KORONADAL CITY- INILATAG ni Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Secretary Isidro Lapeña ang mga legasiya ni Presidente Rodrigo Duterte sa isinagawang Barangayanihan Caravan Towards National Recovery sa General Santos City.

Inihayag ni Lapeña, na siyang Cabinet Officer for Regional Development and Security ng Region 12, na isa sa legasiya ng pangulo sa larangan ng regional development ang completion ng upgrading at rehabilitation ng General Santos City International Airport kamakailan lamang na nagkakahalaga ng P 959 million.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ang improvement ng naturang airport ay inaasahang makatutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Soccsksargen.
Kasabay ng improvement nito ang construction ng mga daan at iba pang road projects tulad na lamang ng P3.4 billion Surallah-Tboli-San Jose road na kumukonekta sa mga bayan ng Surallah at T’Boli sa South Cotabato at Barangay San Jose ng Gensan.

Sa ngayon, 93% nang tapos ang naturang road project at sa oras na ito ay makumpleto na, inaasahan na mas mapapabilis na ang pagbiyahe ng mga produkto mula sa South Cotabato at mga karatig lugar sa mga major markets.
Ito ayon kay Lapeña ay ilan lamang sa mga malalaking proyekto na naipatupad sa rehiyon 12 at marami pa ang nakatakdang ipatupad sa susunod na mga buwan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Isinusulong din ng Regional Development Council (RDC) 12 ang pagpapatayo ng Pag-IBIG Fund Office sa Isulan, Sultan Kudarat at consular office ng Department of Foreign Affairs sa Kidapawan City upang mas mapalapit sa mga mamamayan ang serbisyo ng gobyerno.