NAGA CITY – Hinihintay ngayon ng City Government ng Naga ang anumang magiging resulta sa imbestigasyon na ginagawa ng Bureau of Fire Protection sa pagkakasunog ng anim na stalls sa 2nd floor ng Naga City Peoples Mall, noong nakaraang gabi.
Anuman ang resulta, iyon ang pagbabasehan LGU-Naga, kung may dapat na managot at kung sinu-sino ang mga ito na lumabag sa City Ordinance na bawal magluto sa NCPM.
Ito ang naging kasagutan sa Brigada News FM Naga ni City Administrator Elmer Baldemoro hinggil sa magiging posibleng tulong o ayuda na maibibigay sa mga apektado ng sunog.
Anya’y maganda sana kung naka-insured ang mga stalls, dahil may matatanggap silang financial assistance mula sa insurance company.
Binigyang-diin ni Baldemoro na may ordinansa mismong nagbabawal ng anumang aktibidad sa NCPM na magdudulot ng disgrasya tulad ng sunog, maliwanag na may lumabag sa nabanggit ng ordinansa.
Sa initial na imbestigasyn ng BFP-Naga, mahigit kumulang 300 libong piso ang naging halaga ng mga nasunog na stalls.