Mga labi ng 2 rebeldeng napaslang sa engkwentro sa San Mariano, Isabela; sinisikap nang maibaba

Pangunahing inaalala ngayon ng kasundaluhan ay kung paano maibaba ang mga labi ng dalawang rebelde na napaslang sa nangyaring sagupaan kahapon, October 29, 2021 sa Tappa, San Mariano, Isabela.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Maj. Jekyll Dulawan, ang Chief DPAO ng 5th Infantry Division Phil. Army, sinabi niya na nakikipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan ng San Mariano para sa tamang disposisyon ng mga labi.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Tinitingnan na rin aniya nila kung may available silang air asset na siyang gagamitin upang maibaba ang mga ito.

Magugunitang naganap ang sagupaan sa pagitan ng mga kasapi ng 95th Infantry Battalion at 1st IPMFC sa mga armadong grupo matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa presensya ng mga ito sa naturang lugar.

Ayon kay Maj. Dulawan hindi naman tumagal ang bakbakan subalit nag-iwan ito ng dalawang casualty sa mga rebelde na kinilalang sina alyas Dave, squad leader at alyas Albert na kapwa kasapi ng Regional Sentro De Gravidad (RSDG), Komiteng Rehiyon Cagayan Valley.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Narekober din ng mga operatiba sa lugar ang dalawang M16 riffles at mga kagamitan ng mga armadong grupo.

Muli namang hinimok ni Maj. Dulawan ang iba pang natitirang rebelde na bumaba na at magbalik-loob upang makamit ang inaasam na kapayapaan.