Mga kawani ng Camarines Norte Provincial Jail isinailalim sa surprised drugtest kahapon, ilan sa mga ito nagpositbo

CAMARINES NORTE-Isinailalim sa surprise drug test ang mga empleyado ng Camarines Norte Provincial Jail kahapon kung saan kinumpirma mismo ni Provincial Legal Counsel Atty Don Culvera na may ilan sa mga ito ang nagpositibo.

Bibigyan aniya nila ito ng pagkakataon para sa tamang proseso subalit iginiit ng Abogado na hindi na ito makakabalik pa sa kanilang trabaho matapos na  ang mga ito ay magpositibo sa illigal na droga.

Read More:  Volunteer work, persistence mark Ilog man’s road to Army commission

Ito’y bahagi rin ng isinagawang Oplan Galugad sa panlalawigang piitan,  Base kasi sa imbentaryo, limang piraso ng maliliit na heat sealed plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu ang nakuha sa dating pulis na si Jacky Palomar at tag-isang sachet ng small at medium sized transparent sachet naman kay Carlo Rieza.

Nagbabala si Atty Don Culvera sa mga kawani  ng nasabing piitan kung saan ang naging resulta ng Oplan Galugad kahapon ay hakbang upang lalong mabantayan ang mga galaw hindi lamang ng mga nasa loob ng piitan maging ng mga kawani ng Camarines Norte Provincial jail.

Read More:  Two Davao robbery suspects arrested at Iligan checkpoint

Patuloy naman ang isasagawang imbestigasyon sa CNPJ upang malaman kung paano nakapasok ang mga kontrabando sa nasabing piitan.