Malditas lumuhod sa S. Korea sa AFC Women’s Asian Cup semis, 0-2

Bigo ang Philippine women’s football team na maka-abanse sa AFC Women’s Asian Cup matapos talunin ng mas malakas na South Korean team.

Yumuko ang Malditas sa 0-2, sa kanilang semifinal match-up noong Huwebes sa Shree Shiv Chhatrapati Sports Complex sa Pune, India.

Gayunpaman pinahirapan ng mga Pinay ang katunggali sa pamamagitan ng mahigpit na depensa.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Subalit mabilis na nakahanap ng paraan si Cho So-Hyun para malampasan ang 5-3-2 formation ng Malditas sa pamamagitan ng pag-drill ng opening goal sa ikaapat na minuto.

Nakuha naman ng Koreans ang 2-0 lead sa pamamagitan ni Son Hwa-Yeon sa 35th-minute matapos ang point-blank goal.

Sa kanilang ikatlong puwesto na pagganap, nakamit ng Malditas ang kanilang pinakamahusay na pagtatapos sa WAC.

Read More:  ATOM condemns  Cayetano’s repeated use of ‘Laban’ sign at INC EDSA rally

Ngunit higit sa lahat, ang Malditas ay nakakuha ng direktang tiket sa FIFA Women’s World Cup sa susunod na taon sa Australia at New Zealand.

Sa kabilang banda, makakalaban ng South Korea ang China na nagwagi sa isa pang semifinal clash matapos talunin ang Japan sa pamamagitan ng penalty kick. 4-3.