Makabayan bloc, ipinaliwanag ang kanilang posisyon sa likod ng pag-abstain sa desisyong pagpapatalsik kay Cong. Teves

Nagpaliwanag si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro kung bakit nag-abstain ang Makabayan bloc sa pagpapatalsik kay Cong. Arnie Teves sa Kamara.

Ayon kay Castro, abstain ang kanilang naging desisyon dahil naniniwala sila na mapananagot si Teves sa pamamagitan ng mga umiiral na criminal laws sa bansa.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Giit pa niya, hindi nila gustong maging bahagi ng isang Kongreso na nagpaparusa ng pang-aabuso ng Anti-Terrorism Council sa terrorist designation.

Sinabi rin nito na niniwala silang lumabag si Teves sa code of conduct, at sang-ayon sila sa tatlong rason na inihain ng ethics committee para patalsikin ito.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ngunit nanindigan ang kanilang grupo na hindi dapat i-expell si Teves dahil sa designation nito bilang isang terorista.

Sa kasalukuyan, maghihintay pa ani Castro ang Kongreso para sa abiso ng Comelec kung sino ang magte-take over sa inalisang posisyon ni Teves.