Mga kasambahay sa Naga at Camarines Sur hindi dapat bumaba sa P4K ang sahod- DOLE

NAGA CITY- Hindi dapat na bumaba sa P4,000.00 ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa Naga City at Camarines Sur.

Ito ang paalala ni Department of Labor and Employment o DOLE Bicol  Regional Director Zen Campita sa mga employer. Dapat batid din ng mga kasambahay ang kanilang mga karapatan. Nakapalaman ito sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board V Wage Order No. RBV-20 na inaasahang magiging epektibo sa Hunyo 18.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique
Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Pero ayon kay Campita napag-alaman nila na may mga kasambahay na mas mataas pa rito ang hinihingi at napagbibigyan naman sila ng kanilang mga amo depende sa gawaing bahay o pangkalahatang trabaho.