‘Suportahan ang Marcos Administration’ – PRRD

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na suportahan ang susunod na administrasyon ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Sa kanyang talk to the people briefing sinabi ng Pangulo na kailangan magkaisa dahil maraming mga isyu ang kinakaharap ngayon ng bansa.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Wala umano puwang ang pamumulitika dahil magdudulot lamang ito ng pagkakawatak-watak.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Dagdag pa ni Pangulong Duterte kailangan ni President-elect Marcos ng kailangan operasyon mula sa lahat at dapat itong ibigay sa papasok na administrasyon.

Nais umano ng Pangulo na makitang magtagumpay ang susunod na gobyerno.