CAMARINES NORTE- Patutunugin ang kampana ng mga simbahan sa lalawigan ng Camarines Norte tuwing alas 6 ng gabi simula Hunyo 22 hanggang 26 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, ito ay bilang pakikiisa ng Diocese sa pagdiriwang ng 10th World Meeting of Families na gaganapin sa Vatican sa naturang mga petsa.
Mayroon din umanong mga aktibidad na gagawin dito sa Diocese.
Inanunsiyo rin ng Obispo na ang ikalawang koleksyon sa misa sa pagdiriwang ng Corpus Christi Sunday kahapon ay ilalaan para sa family life program ng mga parokya.
Ang World Meeting of Families ay karaniwang ginagawa kada ikatlong taon na kilala bilang pinakamalaking pagtitipon ng Catholic families sa buong mundo na dinadaluhan ng milyong katao.
Pero dahil sa COVID- 19 pandemic minarapat ng organizer na limitahan lang ang pisikal na dadalo na nasa dalawang libong pamilya.
