Mahigit kumulang 600 Cam Norteño kumuha ng CSC elegibility exam kahapon

CAMARINES NORTE- Aabot sa mahigit kumulang 600 Cam Norteño ang kumuha ng Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) Professional at Sub- Professional kahapon na ginanap sa Camarines Norte State College Main Campus.

Ito ang ikalawang pagkakataon na ginawa ang naturang eksaminasyon dito sa Camarines Norte na unang ginanap noong Marso.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Marami ang umaasa na sa pamamagitan ng pagpasa sa CSE- PPT ay magkakaroon ng pagkakataon na makapasok sa gobyerno.

Naging maayos naman sa pangkalahatan ang ginanap na examinations.

Nasa ilalim na ng Alert Level 1 ang bayan ng Daet pero mahigpit pa ring ipinatupad ang health protocols sa testing center.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Limitado lang ang bilang ng examinees sa kada kwarto upang masigurong mayroong social distancing.

Sa Agosto ay muling magkakaroon ng naturang eksaminasyon at sa pagkakataong ito ay mas marami kumpara kahapon.

Ayon sa CSC Provincial Field Office nasa 800 na katao ang inaasahang kukuha ng CSE- PPT sa Agosto.