NAGA CITY –Binabantayan din ng Muslim Community Affairs Office ang mga kabataang Muslim para matiyak na hindi lalabag sa ipinatutupad na curfew for minors sa Naga City.
Kung lumabas man sila ay sinisiguradong makakauwi bago pa ang oras na alas-9 ng gabi upang siguradong hindi aabutin ng curfew pag alas-10.
Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Mike Mustapha ang head ng Muslim Community bilang pagsuporta nila sa curfew for minors ordinance at pag-iwas na rin sa anumang isyu at kontrebersiya.
Ayon kay Mustapha, siya ang ilang mga kasamahan ay nag-iikot sa kanilang compound at tinitingnan ang mga bata at kabataan kung ang mga ito nga ay nasa kanya-kanya ng bahay kung gabi. Pasalamat naman ang opisyal at sumusunod naman ang mga kabataan nila sa curfew.
Nabanggit pa niya na kung hindi naiiwasan ang lumabas kailangan na may kasama para na rin sa seguridad ng mga ito.
Hangad ni Mustapha na sana ay wala ng minor de edad na mabiktima ng krimen sa Naga City.