KORONADAL CITY – MAGIGING epektibo na sa buwan ng Oktubre ang P 50 na dagdag sa arawang sahod ng mga job order workers sa provincial capitol ng South Cotabato. Ito’y matapos aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang Appropriation Ordinance para sa Supplemental Budget No. 3 na nagkakahalaga ng P 29,177,626.00 kung saan nakapaloob ang dagdag sa sahod ng mga JO.
Matatandaan na noong buwan ng Hunyo, nagpasa ang SP ng Resolution No. 370 series of 2024 para sa wage increase ng mga job order workers at dagdag na job order position sa provincial government.
Oras na maipatupad, ang P 368 na na arawang sahod ng mga utility workers ay magiging P 418 na, habang ang mga sumasahod naman ng P 419 kada araw ay makakatanggap na ng P 469 daily wage.
