Mga itinitindang karne sa Quezon Public market, pinatitiyak na malinis

Nagtalaga ng mga meat inspector ang municipal economic enterprise office sa Quezon Public market kasunod ng ulat na may isa umanong kustomer ang nakabili ng “sirang karne” sa palengke.

Ayon sa MEEDO, titiyakin ng mga ito ang kalidad ng karne na ibinebenta sa pamilihan  para matiyak din na hindi na maulit pa ang insidente kamakailan.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa impormasyon na nakarating sa opisina, may napansin umano ang isang customer ng uod sa biniling karne subalit agad namang pinapalitan sa pamilihan.

Gayunman, pinatitiyak ng MEEDO sa mga mamimili na suriin nila ng maayos ang nabiling produkto sa public market para sa kaligtasan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Samantala, pinapayuhan ng pamunuan ng opisina na mag-report sa kanila ang sinumang mamimili na posibleng makaranas nito upang matukoy ang stalls na nabilhan ng karne.