₱6.8M halaga ng shabu, nasabat sa isang buy bust operation sa lungsod ng Naga

NAGA CITY – Aabot sa P6.8 milyon na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng Regional Police Drug Enforcement Unit at ng Naga City Police Office sa ikinasang Buy Bust Operation kaninang 7:05 ng umaga.

Kinilala ang suspek na si John Joseph Yukim y Cañaveras, 34-anyos ng Barangay Abella nitong lungsod.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon kay PSMS Tobias Bongon, Information Officer ng NCPO, isang operatiba ang nakabili sa suspek ng 100 gramo ng illegal na droga sa halagang P260k, kung saan nangyari ang transaksyon malapit sa isang Mall sa Barangay Sabang.

Kaagad na hinuli si Yukim ng magkapalitan na ng items at nakuha pa sa posesyon nito ang isang Eco-bag laman ang karagdagang 900 gramo ng hinihinalang shabu.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Napag-alaman na ang suspek ay isa sa nagsusupply ng illegal na droga sa lungsod ng Naga at sa mga karatig na bayan sa Camarines Sur.