Isang estudyante, nabiktima umano ng snatcher sa Brgy. Sta. Monica sa Puerto Princesa

Iniimbestigahan na ng Police Station 2 ang snatching incident sa isang babaeng estudyante s nitong gabi ng Miyerkoles, May 17 sa Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City.

Ayon kay PMaj. Noel Manalo, habang nag-hihintay umano ang hindi pinangalanang biktima sa kanyang kapatid sa Princesa Ville ay bigla daw hinablot ang cellphone ng riding in tandem.

Read More:  Pag-IBIG Cebu manager killed after van’s brakes allegedly fail in Negros Oriental crash

Sa bilis umano ng pangyayari ay hindi nakita ng biktima ang mga mukha ng mga suspek at ang motorsiklong sinakyan ng mga ito.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ipinakita na rin daw ng pulisya sa  biktima ang mukha ng mga posibleng may kinalaman sa krimen ngunit wala itong makitang palatandaan sa mga suspek sa snatching.

Gayunpaman, patuloy ang back-tracking ng mga imbestigador at pag-check sa mga CCTV malapit sa pinangyarihan.