Kaso ng leptospirosis – tumaas

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng bilang ng mga leptospirosis cases sa pitong rehiyon.

Ayon sa DOH, mula June 2 hanggang July 13, naitala ang pagtaas ng bilang ng naturang sakit sa MIMAROPA, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKARGEN, at Caraga Administrative Region.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Mula sa pagsisimula ng taon hanggang July 13, nakapagtala na sila ng 1,258 leptospirosis cases.

Sinasabi ng ahensya na posibleng mas tumaas pa ang bilang na ito dahil sa late reports, lalo pa’t nakararanas ngayon ang ilang lugar ng baha dulot ng Southwest Monsoon.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Samantala, as of July 13, 133 na ang nasawi dahil sa leptospirosis.