Mga insidente ng umano’y pagkasawi matapos na magpaturok ng bakuna, pinabulaanan ng DOH-Sorsogon

SORSOGON CITY – Pinabulaanan ng Department of Health (DOH)-Sorsogon ang mga haka-haka na mayroong mga nasawi matapos maturukan ng Covid-19 vaccine subalit hindi lamang ito isinasapubliko ng ahensya.

Sa pahayag ni DOH-Sorsogon head Dra. Gladys Escote, sinabi nito na kailanman ay walang nangyayaring cover-up o paglilihim sa mga kahalintulad na insidente.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Paliwanag nito, hindi naman kasi ibig sabihin na kung sakaling nasawi ang isang indibidwal matapos itong mabakunahan ay ang bakunang itinurok sa kanya na ang dahilan.

Puwede kasi umanong mayroon nang dating karamdaman ang nasabing indibidwal bago pa man ito nagpabakuna.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Aniya, mayroon kasing mga nagpapabakuna na hindi ipinagtatapat ang totoong kondisyon ng kanilang kalusugan kung saan kanila na lamang itong nadidiskubre ilang araw pagkatapos na mabakunahan ang mga ito.

Umapela ang opisyal sa publiko na sa oras ng pagpapabakuna ay sabihin ng mga ito ang totoong katayuan sa kalusugan upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.